Ang San Isidro Sur, isa sa mga aktibong barangay sa bayan ng Lagonoy, pagdating sa pagdiriwang ng kanilang pista na kinabibilangan. Kilala rin ito noon na Poblacion( kinokonsiderang sentro ng komersyal at industriyal) ng Lagonoy. Mayaman sa taniman ng “Cacao” kaya’t kilala ang kanilang lugar sa paggawa ng produktong tsokolate. Minsan na rin silang lumuluwas ng kanilang produkto sa karatig bayan. Ang kanilang pagdiriwang ng pista ay pinangalanang “Surkolate” mula sa pangalan ng kanilang lugar na San Isidro Sur at pinagdugtong na salitang tsokolate. Ika-1 ng Mayo ang feast day nito at ika-15 ng Mayo naman ang pagbibigay selebrasyon ng mga residente ng kanilang "Surkolate festival". Ang kanilang pagmamanata sa kanilang pista ay mapapansin sa mga kinaugalian na kanilang isinasagawa katulad ng cooking contest na ang pangunahing kasangkapan ay ang tsokolate na mula sa kanilang lugar, hindi din mawawala ang mga palaro, pagsasagawa ng program, pagkakabit ng banderitas, at medya talye. Sa kasalukuyan, isinasagawa na din sa kanilang barangay ang mga paligsahan sa Pageant, Singing contest, Dance competition at Motorcade. Sa mga katolikong residente rito, hindi rin mawawala ang mga binyagan kapag bispiras ng pista at mga relihiyosong kinaugalian ng mga taga San Isidro Sur, ang pagnonobena at pagpuprusisiyon na naging tatak na at nagsisilbing simbolo ng pag papasalamat ng magandang ani ng mga ninuno ng mga San Isidro Sur noon at sa kasalukuyan pa rin sa kasaganahan ng kanilang taniman. Noon pa man, ang Lagonoy ang nagsilbing unang terminal o bus stop para sa mga biyahe ng bus mula sa partido patungong sentro. Kaya't noon maagang-maaga pa ay naghihintay na ang mga biyahero at biyahera. Dahil dito kailangang nilang kumain, katulad ng mga kutkutin na ibinibenta sa terminal noon, mga produktong galing pa sa mga baryo at iba pa. Kaya natutunang maghanda at makasanayan na magbenta ng mga pagkain kakanin , pangalmusal, meryenda at pampasalubong na rin.. Ilang beses na rin nakilala ang Lagonoy sa bazaar dahil sa pagkakatanyag ng kanilang produkto.
Kaya’t kung nais niyong uminom ng mainit at masarap na Tsokolate sa umaga, gumawa ng mga matatamis o makapagluto ng matamis na panghimagas sa mga mahal mo sa buhay, lalong-lalo na ngayon parating na araw ng mga puso. Hindi ka mabibigo sa sarap at tamis ng tsokolate ng San Isidro Sur Lagonoy. Ibinahagi din sa akin ang proseso ng paggawa ng tsokolate na gawang pang-San Isidro Sur, sa salaysay ni Kate Nicole Debil, na tubong San Isidro Sur, naging kasanayan na ng kanilang pamilya ang paggawa at pagnenegosyo ng tsokolate na naman pa nila sa kanilang lolo at lola.
1.Ibilad ang buto ng cacao siguraduhing tuyong tuyo ito para maganda ang kakalabasan ng produkto.
2. Ihanda ang pagsasangagan ng buto ng cacao, bantayan ng mabuti ang pagsasangag para hindi ma sobrahan ng hindi mangitim ng sobra.
3. Ilagay sa bilao ang nasangag na cacao at dikdikin ito para mahiwalay ang balat, wag masyadong durugin dahil mahihirapan nito sa pagtatahip
.4. Tahipan ito at siguraduhing wala ng mga balat balat .
5. Ihanda na ito para igiling, pwedeng igiling sa di makinarya o manomano.
6. Pagkatapos magiling ng cacao ihalo ang asukal, pwede ding halohan ng gatas depende sa customer, imasa ng maayos at siguraduhing nahalo ng mabuti.
7. Pagkatapos imasa ihanda na ito para bayuhin siguraduhin din nabayo ng mabuti para maganda ang kinalabasan nito.
8. Handa na itong bilugin mano mano gamit lang ang kamay, pwd din gumawa ng iba't ibang hugis basta may hulmahan.
9. Ilagay sa isang maliit na plangganita(linayan) at pakinisin ito hanggang sa lumabas ang langis.
10. Ilagay o isilid sa malinis na lamesang may manila paper o wax paper at doon ihilira isaisa ang tsokolate siguraduhing hindi magdikitdikit para hindi magkauka ang tsokolate.
11.Pagkatapos patuyuin hanggang sa tumigas.
12. Ihanda na ito para balutin, pagkatapos mabalot isasara ito gamit ang sealer.
13. Handa na ito para ibenta.
Kaya naman mapapansin ang pagkakaisa, kooperasyon at pagpapahalaga ng mga residente sa San Isidro Sur sa kanilang pista ay dahil malakas ang kanilang pamamanata at pagpepreserba sa kanilang kinagisnang kultura sa pista.
Mga kinaugaliang isinasagawa sa pista ng San Isidro Sur"Surkolate festival"
![]() |

![]() |
| "Surkolate" float |
![]() |
| Boodle fight |
![]() |
| Sayawan |
![]() |
| Basketball |
![]() |
| Parada |

![]() |
| Palaro |
![]() |
| Prusisyon
Photo credits: Maxine Montilla
|
Trademark ng San Isidro Sur
![]() |
| Tsokolate
Photo credits: FB: Sa Madahom Lagonoy
|
![]() |










No comments:
Post a Comment